Sabado, Oktubre 1, 2011

Sa simbahan
Girl 1: Itigil ang kasal ! >.<
.
.
.
(Nagulat ang lahat)
.
.
.
.
.
.
.
Girl 2: Inutil! BINYAG kaya to ! xD
“Kung humahaba lang siguro ang ilong
ng tao everytime na magsisinungaling…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Wala ng taong PANGO. xD”
Ung Feeling Nah..
Ang Sarap ng Kain moh..

..

..

..

..

..

..

Bigla kang may na kagat na BATO sa kanin..
Yung feeling na..
Ang ganda ganda ng araw mo tapos biglang may isang tao ang sisira! >.<

-

-

-

-

DEMMIT!

Biyernes, Setyembre 23, 2011

angry bird vs angry iglot

sino kaya mananalo?

Nakakatawa at nakakaiyak

Napagawi si totoy sa isang bar. Tiyempo namang nagpacontest ang manager nito.

Manager: Kung sino man ang makapagpatawa sa kabayong ito ay bibigyan ko ng isandaang libong piso!

Unang mama: Ako kaya ko! (Nilapitan nito ang kabayo at sinubukang kilitiin ngunit sya�y sinipa lang nito.)

Pangalawang mama: Kaya ko yan! (Lumapit ito sa kabayo at hinimas himas ang ito habang nagkwekwento, ang kabayo�y humalinghing at dinambahan ang mama).

Sa inis ni Juan ay siya na ang umentra.

Juan: Siguradong matatawa yang kabayo mo sa ibubulong ko sa kanya!

Manager: Ba�t di mo patunayan, kaibigan!

Lumapit si Juan sa kabayo at binulungan nya ito. Biglang humalinghing sa tawa ang kabayo, halos di na tumigil ito sa kakahalinghing sa tawa. Kaya�t nanalo si Juan.

Manager: Ito ang perang napanalunan mo ngunit bumalik ka bukas ng gabi at siguradong di ka na mananalo.

Kinabukasan, bumalik si Juan sa bar at muli na namang nagpacontest ang manager.

Manager: Kung sino man ang makakapagpaiyak sa kabayong ito (na di pa rin tumitigil sa katatawa mula pa kagabi), ay pagkakalooban ko ng dalawang daang libong piso.

Tulad ng isang gabi marami ang sumubok ngunit di pa rin tumitigil sa kahahalinghing sa tawa ang kabayo at sila�y pinagdadambahan at pinagsisipa lang nito. Kaya�t umentra na naman si Juan.

Juan: Ako lang ang hinihintay nyan!

At lumapit siya sa kabayo at pinakita nya ang kanyang ari sa kabayo. Biglang natahimik ang kabayo at mayamaya�y umiyak ng umiyak. Panalo na naman si Juan.

Nang iaabot na ng manager ang kanyang panalo ay tinanong siya nito.

Manager: Kaibigan, ano bang ang sekreto mo at napatawa mo ng husto ang kabayo kagabi at ngayo�y nama�y halos mamatay na sa kaiiyak?

Juan: Simple lang, Sir! Kagabi binulungan ko siya na mas malaki ang etits ko at ngayon naman, pinakita ko sa kanya ang etits ko.

Malalim na tagalog

Q: Ano sa Filipino ang 'chair'?

A: Salumpuwit!

Q: E ang 'wheelchair'?

A: Salumpo!

Q: E ang 'arthritis'?

A: Salompas!

Q: What about 'vinegar'?

A: E di salumpia!

Q: Ano naman ang panty?

A: Salungguhit po!

Q. Bakit ang oyster ayaw ibigay and kanyang perlas?

A: Dahil ang oyster ay shellfish

Q: Anong hayop ang gumagamit ng bra?

A: Eh di Cobra!

Q: Anong hayop ang gumagamit ng panti?

A: Eh di Elepanti!

Q: Anong hayop ang gumagamit ng brief?

A: Eh di Bird!

Ang templo ng Diyos

Sa isang congregation ay nagsesermon ang pastor.
Mga kapatid dapat nating malaman na ang templo ng Diyos ay ang ating katawan. Kaya, huwag nating sirain ang ating katawan sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, pambababae at sa lahat ng uri ng bisyo na makasisira sa Templo ng Diyos.

Nagtanong si Juan, "Pastor, totoo bang ang katawan ko ang Templo ng Diyos?"

Sumagot ang Pastor, "Opo, kapatid kaya iwasan mo na ang mga bisyong makasisira sa iyong katawan na templo ng Diyos."

Muling nagsalita si Juan, "Pastor, narito ang aking offerings at Ikapu, saan ko ibibigay ito?"

Sagot ng Pastor, "Kapatid, iyan po ay dapat ibigay sa Templo, ang ating Church."

Nagtaka si Juan, "Sabi mo ang templo ng Diyos ay ang katawan ko, kaya hindi ko dapat sirain. Bakit pag pera na, ang templo ng Diyos ay ang church na?????"

Magagandang babae sa impyerno

Nang mamatay si Juan, siya ay napunta sa impyerno. Napansin nyang maraming naggagandahang babae roon ngunit may problema. Kaya kinausap niya si taning.

Juan: Mr. Taning, maraming magagandang babae rito sa impyerno pero wala silang mga butas. Bakit?

Mr. Taning: Pag may butas ang mga yan e di nasa langit ka na!

Easy English - Japanese translations

Most of these Japanese words are adopted by Filipino language.

I'm warning you - makikitamo

Where are we going? - San-batayo?

Stewardees - Oto-san

Is this your car? - Otomoto?

This is my car - Otokoto

Sugar daddy/mommy - Otooto

Is this your property? - Arimoto?

Yes, this is my property - Arikoto

Is this yours? - Sayobato or sayoto?

Is this mine? - Sakinbatu

This is mine - Sakinitu

Can I have it? - Akinato?

You can have it - Sayonato

Can we have it? - Saminato?

You can have it - Sanyonato (plural)

You haven't washed your face - Mimutamatamo

You're so thin! - Kitanabutomo

We saw each other - Kitakami

We had reunion - Kitakitakami

Have a drink before you go - Tomakamuna

That was my assumption - Inakarako

Let's go! - Bachinatayo!

We will boycott the election - Dikamiboboto

Underarm odor - Kirikiripawa

Are you oppressed? - Minamatakaba?

I give up - Sukonako

Ouch! - Araiku!

What life is this - Hainaku

I'm going to leave you - Sawanakosayo

Just take it! - Sayonarang!

Skeleton - purobuto

You look like your mom - kamukamumamamu

You look like your dad - kamukamupapamu

Ugly - kamukamu or kamukanya

Pretty or handsome - kamukaku

Full of monkey - kamukanyo

Are you nervous? - kakabakabakaba?

Are you a loyal customer? - sukikaba?

Later - sakana

I surrender - sukunako

Just surrender - sukukanakasi

Remember? - naaararamo?

I remember - naaararako

Go and work! - ararona!

Can you see? - kitamoba?

I told you - nakitamo?

Let's go to your place - sanyotayo

test kung may sayad ka

Si Juan ay bumisita sa isang mental hospital at siya'y nag-usisa para sa kanyang school assignment.

Juan: Papaano nyo po ba nalalaman kung talagang me sayad ang pasyenteng dinadala sa dito?

Doktor: Ganito yun. Pinupuno namin ng tubig ang isang bath tub. Tapos, iaabot namin sa pasyente ang kutsara, tasa at balde at uutusan namin siyang limasin o tanggalin nya ang tubig sa bathtub. Titingnan namin ngayon kung ano ang gagamitin niya sa tatlo.

Juan: Magaling, siguradong pipiliin ng normal na tao ang balde para mabilis na maubos ang tubig!

Doktor: Mali! Kapag normal ang isang tao, tatanggalin lang niya ang plug (yung tapon na nakabara sa butas) ng bathtub!

Napakalaking na sweldo

Si Juan na isang accountant ay napilitang mag apply ng trabaho sa isang maliit na kumpanya dahil matagal na siyang tambay.

Ngayon ang araw ng kanyang interview. Nalaman nya sa secretary na problemado ang may-ari ng kumpanya at sya ang mag-iinterview kay Juan.

May-ari: (mukhang problemado) Ahhh....Mr. Juan dela Cruz, please come in and have a seat.

Juan: Thank you very much, Sir! (medyo kinakabahan.)

May-ari: Alam mo, talagang kailangang-kailangan ko ng accountant ngayon dahil masyado na akong namomroblema sa dami ng aking mga iniisip dahil lumalaki itong kumpanya.

Gusto ko ng accountant para siya na ang mamroblema sa financials ng kompanya at handa ko syang paswelduhin ng sandaang libong piso bawat buwan.

Nagulat at natuwa si Juan dahil sa laki ng sweldong ibibigay ng may-ari. Kaya't sya'y nagpakitang gilas.

Juan: Kung gayon, handa po akong tanggapin kahit anong problemang nais nyong problemahin ko.

May-ari: Sige, tanggap ka na at pwede ka nang mag-umpisa sa lalong madaling panahon.

Juan: (Tuwang-tuwa) Sir, nagtataka lang po ako kung bakit kaya nyong magpasweldo ng ganoong kalaki gayong maliit lang po itong kumpanya natin?

May-ari: Yan ang una mong problema!

toughtful na kriminal

Kriminal 1: Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?

Kriminal 2: Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!

Kriminal 1: Sana naman wlang nangyaring masama sa kanya.

let's make love

Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na to, let's make love.

Husband: Heh! tumigil ka nga. maaga pa akong gigising bukas, buti ikaw hindi na.

paano madaling kumita ng pera

Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

pinoy joke mix

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si
ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!

**********************************************

Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis
niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!

**********************************************

Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto
niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding
siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo 'yung kabayo!

**********************************************

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.

**********************************************

Dalawang holdaper sa bangko:

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

**********************************************

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

**********************************************

3 tanga nagsisiksikan sa maliit na **kama**:*

TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na
lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!

**********************************************

Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal - Nanay

**********************************************

ANAK: 'Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako
ng "cocomban".
TATAY: Ano ka ba naman. Hangga ngayon "cocomban" pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!

**********************************************

MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na.
Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di
ako nakauwi!

**********************************************

JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!

**********************************************

At a funeral...

ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: "REMAINS WILL BE CREMATED."

**********************************************

Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1
coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa
karton "SUGAR FREE."